Oktubre Lima
Para sa ating mahal na mga Guro...
Ang araw ng mga Gurong aming naging kalinga.
Ramdam man ang kanilang pagod at pagkaupos ng kanilang mala-anghel na tinig,
Ay hindi iyon isang magandang dahilan upang pagdiriwang ay mawala sa himig.Wari'y pakiramdam ng mga Guro ay tila sila ay nasa alapaap.
Na naging isang inspirasyon sa mga mag-aaral na patuloy nangangarap.Gamit ang kapirasong tsalk bilang panulat.
Aral ay walang humpay na inuulat.
Maging saan man tangayin ng hangin ay asahang dala-dala pa rin ang leksyong nasasalat.Gagamitin ang propesyong nakaguhit sa bawat palad.
Sa tulong ng mga Guro ay ito ay makikita sa relayidad.
At aasahang patuloy itong pagyayabungin, dahil ito'y isang hangaring hinahangad.Gurong nagsilbing isang inspirasyon at ihemplo sa paglingap.
Umuusad kahit patuloy na nadarapa at naghihirap.
Ramdam ang pananakit at pagod sa mga mata,
Ngunit ang pagtuturo at pagbibigay inspirasyon ay hindi nawawala.
Oras man ay dumaan, aasahang ang pagbati ay hindi makakaligtaan.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...