SapantahaLumuha ka't buong tapang na ilabas mo
Ang mga kirot na dumadapo sa iyong pagkatao
Huwag mong pigilan ang paglabas ng likido
Ilabas mo at hayaan mong dumanak itoNararamdaman mo'y akin ding nararamdaman
Tulad mo'y minsan na rin akong lumuha ng lubusan.
Pagtangis sadyang hindi mapipigilan
Kusang lumalabas ng buong piglas sa gitna ng kapighatianBuong tapang mong iwaksi ang likidong dumadanak
Punasan mo ito ng puso mong unti-unti na ring nawawasak
Sa unang pagkakataon lang tunay na masakit
Kaya't sa mga susunod na pagkakataon ay sana'y huwag na itong maulit.Lagi mong itanim sa iyong isipan
Na walang ibang magpapatahan saiyo kundi ikaw lamang
Pawiin mo ang luha mo't muling magsimula
Magbabago ang lahat basta't ikaw ay magtiwalamiss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...