GINOO
Kayang singhapin sa malawak na tubig
Dayong bapor ng pag-ibig na nasa langit.
Pawid ng tanikala kong pagsinta'y kumakagat
Sa himig ng puso kong umaangat.
Gaganyakin kata,
Kapiling ang buwan sa kalangitan
Sisikaping sungkitin,
Duyog man ay hindi hahayaan kang paakitin.
Kalunos-lunos danyos itong aking nadarama,
Singhal ng damdamin ko totoo't kakaiba.Mahigpit kitang hahawakan sa iyong kamay
Huwag sanang ihalungkat ang mga kalyo sa aking lagay.
Kata'y dadalhin sa dalampasigan ng arayat.
Hahayaan ang ating mga paang nakababad sa dagat.
Huhulihin ang kiliti at lamang dagat sa dala nating lambat.Binibini sa likod ng kathang ito'y umaagos sa luha.
Ngalan ay ipinako sa dugong mapanuksa.
Naging sandata ang pluma upang nararamda'y kumawala.
Sa piling ng mga tinta'y lubos na inaaya.
Sa saklap ng sinapit na ito
Ay walang lakas ng loob na sabihing siya'y natuliro.Nawa'y pansin ko'y iyong makuha
Pagsinta'y hawakan nawa.
Hindi ko man maibigay ang bituing maralita
Puso ko'y hahagkan ka hanggang sa katapusan nitong tula.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...