Inggit na Humahabi
Nakatingin na naman ako sa salamin.
Pinagmamasdan ang sarili kong nababalot ng panimdim.
Sa muling pagkakataon, muli na naman akong pinagtatawanan.
Dahil sa aking katauhang dulot sa'kin ay kahihiyan.Sana dumating ang araw na ako'y pupuriin ng lahat ng mga tao.
Ang araw na kikilalanin ako bilang anghel na ang hatid ay pagmamahal at hindi pagsamo.
Nakapapagod ding mabuhay sa ganitong sitwasyon.
At hindi ko batid kung mananatili pa ba akong ganito sa paglipas ng mga taon.Mga mata nila ay palaging may sinasabi.
Mababakas ang pangungutya sa kanilang mga labi.
Wala akong sapat na tiwala sa aking sarili.
Kung kaya't ang kabuwayan ay patuloy humahabi.Nais kong maging maganda,
Nais ko ring maging katulad ng iba.
Gusto kong maging puhunan ang aking itsura.
Subalit sino ako upang hilingin ang mga bagay na malabo kong makuha.Kung darating man ang araw na aking pinakahihintay.
Ang aking ligaya ay walang kapantay.
Sana ay maging masaya ako sa kung anong aking hiniling.
At sana ay hindi ko pagsisihan lahat ng aking mga nanaiisin.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
AléatoireLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...