Itim na Pag-ibig
Mga mata'y nakatingin sa alapaap.
Wari'y hindi batid kung kailan malalasap
Ang pagsintang unang naramdaman ang tamis at sarap.
Na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinapangarap.Bilanggo nga ba kung ituring?
Ang pag-ibig na nakulong sa isang bitag na hangarin.
Patay na kandila rin ba kung suriin?
Ang pag-ibig na nasa damdamin.Ilang beses nilang sinasabi na "huwag magpadala sa nararamdaman"
Subalit tila ang katagang ito ay patuloy kong pinanghahawakan.
Hindi ko maiwawaglit ang panaghoy ng bawat oras na dumaraan.
Bagkus kasama na ito sa sakit na aking pinagdadaanan.Paano ko palalayain ang pusong naging tuliro ng minsan.
Ang pusong walang ibang ginawa kundi ang pumintig ng lubusan.
Siya'y aking hinihirang.
Subalit ang katagang ito ay hindi pangmatagalan.Pahiran ko man ng puti ang kaniyang puso
Ay hindi pa rin maghahari ang tamis ng damdaming puro.
Walang ibang paraan kundi ang tanggapin.
Na ang kaniyang puso ay itim na hindi laan para sa'kin.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...