NAHIHIRAPAN DIN AKOSa pagtilaok ng manok sa araw-araw.
Bitbit ko ang tanikala ng aking buhay
Umuusad ako sa katiting na suporta,
Nananalo ako nang walang hinihinging simpatya.Nagagawa kong bilangin mag-isa ang mga bituin.
Nagagawa ko ring magdesisyon nang makabubuti para sa 'kin.
Hinahayaan kong humakbang ang aking mga paa sa bato-batong daan.
Tinitiis ko ang kirot dahil kaya ko namang labanan.Ngunit sa paglipas ng araw napagtatanto ko.
Na hindi dahil sa kaya kong umusad ay hahayaaan na ako.
Nahihirapan din ako sa pagbibilang ng mga bituin sa kalangitan,
At pakikipagbahabulan sa buwan,Hindi dahil sa kaya kong umusad,
Ay nananatiling akong matatag.
Kailangan ko rin ng suporta
Kailangan ko rin ng pag-asa.Batid kong hindi ako madalas na humingi.
At madalang lang ding magsabi.
Ngunit tao rin akong umiiyak sa tuwing nasasaktan.
At sumusuko kapag nahihirapan.miss reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...