29

7 2 0
                                    

TAG-ULAN

Naramdaman ko ang lamig
Lamig ng pangungulila sa iyong bisig
Ang gabi ay patuloy sa pananahimik
Dinidinig ang pagpatak ng ulang hitik.

Kailan matatapos ang tag-ulan?
Kung ang luha ba ay nagsihupaan?
Kailan mararamdaman ang tag-init?
Kung ang puso ba ay muling pumintig?

Labintatlong oras nang nakababad sa silid.
Kumot ang ginawang sandigan sa malamig na himig.
Itingala man ang mga mata sa kawalan
Mga tala'y hindi rin ako maunawaan.

Kalangitan ay patuloy na malamlam
Nasasakop ng mababa at itim na ulap na masamsam.
Ilang sandali lamang ay muli nang babagsak.
Ang hibla ng ulang, sa gabi ng katahimikan ko'y wawasak.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon