ANG KATRE
Muling binihasan ng bago
Magarang sapin na wari'y ginto
Tila minamahal ito ng totoo
Sapagkat karamay ito sa bawat bagyoHahayaang ang likod ay dumampi
Sa malambot na bisig ng katre
Mapapangiting tunay sa sanhi
Sapagkat kapaguran ay napapawi.Kung kalamigan ng gabi ay naghari
Babalutin ka ng kumot na buong tindi
Lamig ay unti-unting maiwawaksi
Ang malamig na gabi ay maitatanggiGintong higaan sa loob ng tahanan
Tunay na mararamdaman ang kaginhawaan
Mapapawi ang kapootan
Subalit sisiklab ang katotohanan.Sa muling pagbangon
Ay nag-iba ang ihip ng pag-ahon.
Nawa'y muli mo parin sanang hagkan
Ang katreng ngayon ay papag na lamang.miss_reminsce

BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...