MASKARAKanina sa entablado,
Hinubad ang maskara sa harap ng maraming tao
Nasilayan ang kakaibang pagkatao
Lumabas ang pinakatatagong sikreto.Kanina sa kwarto,
Isinara ang malaking pinto
Isinuot muli ang maskara nang buong todo
Hanggang nagpakita ang kakaibang mundo.Kanina sa paaralan,
Inilalakad ang mga paang may kabigatan
Suot muli ang maskara nang kapalaran
Hanggang mag-uwian ay hindi binibitawan.Kanina pagkatapos ng pagdiriwang,
Lumabas si Muning sa itim na bulwagan.
Ngasab-ngasab ang maskara sa naglalaway na bibig.
Hanggang malustay at bumahid ang itim na kulay sa sahig.Kanina nang siya ay makaharap,
Tuluyang hinubad ang maskarang lapad
Ang ngiti'y nakasisindak
Habang ang katotohanan ay binabatak.Ngayon ang lahat ay pagod na,
Pagbabalat-kayo'y inaalis na
Kung kabitan lang din naman pala ng maskara.
Marahil panahon na upang sirain ang pinakatatagong mahika.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...