SUBOK
Subukan mong muling sindihan
Ang apoy ng iyong kapalaran
Subukan mong muling hagkan
Mga gabing nababalot ng kadilimanPilitin mang takpan
Ang apoy sa sisidlan
Ay kusa itong mahihipan
Kung ang hangi'y hindi mapigilanSubukan mong muling magsindi
Ng panibagong dilaw sa puti
Huwag kang mag-atubali na ito'y mapundi
Tibayan mo't ingatan ng buong tindi.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...