ANG BINTANA
Liwanag ng umaga
Ay tumatama sa bintana
Ibinuklat na parang libro
Hanggang lumabas ang isang anino.Tuwing bintana ay bubuksan
May anino nang nakaabang
Kung ito ma'y nakasara
May kakatok nang biglaDudungaw sa bintanang marikit
Subalit bumulusok ang damdaming kay sakit.
Tuluyang nilamon ng pait
Nang kasiyahan ay binawi ng langitSa bagong umaga,
Wala nang aninong bubungad pa
Ang huling aninong nakita
Ay ang palayong mga paa.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...