86

5 2 0
                                    

KAPAG BILOG NA ANG TATSULOK

Hangga't maaari ayokong gumanti
Lalo na sa mababaw na dahilan
Hangga't maaari ayokong magalit
Lalo na kung hindi kinakailangan.

Ayokong magpanggap at magtaas ng sarili kong bangko.
Ayokong magmagaling na parang kasing taas ng lipad ng loro.
Nais ko lang naman ng kaibigan.
Iyung handa kang tulungan kahit nagdududa ang karamihan.

Kung batid ko lamang na ganito pala kahirap maghanap,
Ng tunay na mababasa ko sa guhit sa kanilang mga palad.
Di sana'y hindi ko na hinangad.
Na maghanap pa sa ngalan ng aking patpat.

Batid kong may rason sa gitna ng tuliro.
May sagot sa gitna ng paghinto
Kung ang apoy nga ay namamatay sa tubig.
Marahil ay ako rin na tumitiklop sa pagkausig.

Subalit kung dumating ang araw ng aking paniningil.
Hindi ko malaman kung ang paghihiganti ba ay dapat kong mapigil.
Marahil ay saka ko na lamang gagawin ang ikalawang linya.
Kung bilog na ang tatsulok ng tadhana

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon