Ang ilaw ko, ang buhay ko.
Inang tumatanglaw sa madilim na kalangitan.
Ang nag-iisang bituing pumapawi sa kapighatian.
Maligayang araw ng mga Ina,
Maligayang araw sa tuwina.Luha'y iyong pinunasan
Ng iyong magaspang na palad
Iyong hindi alintana ang kalungkutan
Na saiyong mga mata'y nanahan.
Mga Inang, idadaan sa ngiti ang lahat
Mga Ina na kayang ibigay ang sariling balikat.
Mali ko'y pilit na winawasto
Pagkatao ko'y pilit itinatayo
Hinuhumok ang aking sarili na maging matapang
Sapagkat hindi lahat ng pagkakataon ikaw ay nakaagapay.Ina, Patawad kong ikaw ay aking nasisigawan.
Patawad dahil ako ay nagkulang
Patawad dahil nagmamatigas ako
Patawad dahil hindi ko masabing Mahal kita mula sa puso ko.Subalit ang likhang ito
Ang magpapatunay na ikaw ay mahal ko.
Wala kang kapantay
At Ina kita hanggang sa kabilang buhay.Inay, Ma, Nanay, Mom, Ina, Inang, Mudra
Sa iyong piling ako'y mananatili.
At ang planeta mo ang aking patuloy na tutunguhin.
Sapagkat ikaw ang ilaw ko, ang buhay ko.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...