Sapa ng Pag-ibig
Sa muling pagkakataon ay narito muli tayo sa Sapa.
Ang lugar na ating naging tagpuan nang tayo'y magkakilala.
Saksi ang lugar na ito sa kung paano tumibok ang puso ko saiyo.
At dito sa sapang ito nabuo ang salitang tayo.Marami tayong nabuong alaala sa lugar na ito.
Alaalang patuloy na gumugulo sa puso't isipan ko.
Dito sa sapang ito una kitang nahagkan
Dito rin naganap kung paano tayo nag-aminan ng ating nararamdaman.Naalala ko pa noon nang pagkatapos nating banggitin ang salitang 'gusto kita'
Tanging ang mahinahong agos lamang ng sapa ang ating nasasariwa.
Halos limang segundong walang umimik sa ating dalawa.
At halos limang segundo rin tayong nakatitig sa sapa.Sa mga panahon na iyon batid kong ang puso ko'y tumatalon sa saya.
Katulad sa kung paano humagupit ang alon sa sapa.
Batid kong nakikiayon ito sa kwento nating dalawa.
Kaya't sa aming istorya ang sapa ay kasama.Sa tuwing narito tayong dalawa sa piling ng sapang naging tagpuan ng ating istorya.
Ay tanging ako at ikaw lang ang aking nakikita.
Masaya ako sa kung paano iagos ng tadhana ang kapalaran nating dalawa.
Natutuwa ako sa kung paano ko matutuhan ang tunay na pagmamahal at hindi pagdidikta.
Mapalad akong kasama ang sapa na ito sa pagbuo ng aming istorya.
At maligaya ako dahil ang salitang TAYO ay posible basta't nasa piling ka ng sapa.Sapagkat sa kaharian ng sapa.
Mararamdaman natin na tayo ay payapa at may kalayaan.
Kalayaang magmahal, kalayaang maging totoo sa sarili at kalayaang pumili.
Kung kaya't sa muling pagsusulat ko ng panibagong istorya ng aking pagmamahal.
Hinding-hindi ko kaliligtaang isama ang sapa na minsang ko na ring minahal.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...