96

5 1 0
                                    


Malapit nang matapos

Malapit na akong matapos
Isang hakbang na lang ang iuubos
Mararating ko na ang rurok.
At maramdaman ang kinang ng sulok.

Malayo pa ang lalakbayin.
Ngunit malaya na ang nagawa kong lakarin.
Marami pa akong susunugin na kilay.
Ngunit marami na akong nalagpasang tulay.

Sa paghakbang ko sa panibagong baitang.
Panibagong pagsubok ang aking mararamasan.
Sana'y hanggang dulo matatag ako.
Nawa'y hanggang sa wakas ay hindi ako sumuko.

Kung sakali mang iligaw ako ng tadhana.
O gambalain ang aking paglalakabay.
Maturuan ko pa rin ang mga paa kong maglakad.
Sa tamang daang minsan ko nang dinadaanan.

Walang ring problema kung hindi maniniwala ang nakararami.
Ang mahala na lamang sa 'kin.
Ay malapit na akong matapos,
At malapit nang maabot ang rurok.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon