87

4 2 0
                                    


NAIS KO NG TAPAT

Maaari mo bang sabihin?
Kung may bagay kang ayaw sa 'kin?
Maaari mo bang bitawan?
Ang salitang nais mong pakawalan?

Ang totoo'y maaari mo naman iyong gawin sa 'kin.
Sabihin mo ang nilalaman ng iyong damdamin
Maaari mo akong kutyain,
Kung may pagkakataong ikaw ay aking nadidiin.

Mas maluwag ko itong tatanggapin
Dahil kinausap mo ako na parang kaharap mo ang salamin.
Mas maluwag ito sa aking damdamin
Dahil batid kong nabawasan ang bigat na iyong pasanin.

Pakiusap ko lamang na huwag mo akong saksakin ng kutsilyo sa likod ko.
Huwag mo rin akong panain habang nakatalikod ako.
Ang nais ko'y ay maging tapat ka,
Ang nais ko'y iyong maging matapang ka.

Kausapin mo ako nang naayon sa iyong loob.
Sabihin ang mga bagay nang mabawasan ang iyong poot.
Titigan mo rin ako sa aking mga mata.
Nang makita ko ang iyong pagkasinsera.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon