78

8 2 0
                                    


PANUKLI


Ang hirap kapag wala kang panukli
Ang hirap baryahan ang baryang ikinukubli
Ang hirap kapag hahagilap ka ng mamiso
Mabayarhan lang ang halaga ng laki ng binigay sa 'yo.

Alam kong bata pa lamang ako
At hindi pa tapos sa pagsusunog ng kilay ko
Ngunit malayo na ako.
Masusuklian din kita basta't maghintay ka sa pangako ko.

Hiling ko sana na huwag kang mayamot
Kung sakaling paunti-unti ang aking iniaabot.
Nawa'y hindi ka makulong sa alimpuyot
Habang binubuo ko ang halaga na walang imbot.

Malapit na rin namang matapos ang pagbibilang
Masusuklian ko na rin ang sa 'ki'y iyong ipinuhunan.
Basta maghintay ka lang Nanang at Tatang
Balang araw ay higit pa sa panukli ko kayo igagapang.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon