71

9 2 0
                                    


KUNG NABUHAY LANG SANA AKO NOON.

Sa pagkakataon na ito,
Sana'y buhay ako nang mga panahong hindi pa buo ang moderno.
Ang panahong pinagmulan ng ginintuang lahi
Ang panahong hindi nagiging problema ang sarili.

Marahil, makikipagbakbakan na lang ako sa mga banyaga.
Makikipaglaban at makikihawak ng baril sa gitna.
Makikiisa sa pagsulat ng panitikan sa bato.
At pagsulong sa karapatan na nararamdaman ko ngayon.

Nasilayan ko sana ang pagdaong ng barko ni Magellan.
Ang pakikipaglaban ni Lapu lapu at ang hukbong bayanihan.
Isa sana ako sa nakasaksi ng mga balangay
Isa sana ako sa mga lipon ng Babaylan

Nakilala ko rin sana si Rizal at Bonifacio
Nahawakan ko sana sina Luna at Jacinto
Nasilayan ko sana kung paano sila malagutan ng hininga
Naramdaman ko sanang sila ay makilala.

Hindi ko na pangangarapin pang mabuhay nang matagal.
Kung ang bukas ko rin naman ay pawala nang pawala ng saysay.
Mas mabuti pang makikipaghabulan na lang ako sa nakaraan
Kaysa ako ang habulin ng kasalukuyan.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon