HALIYAH
Titigan mo nang mabuti
Ang ganda ni Luna
Ngumiti ka't ika'y humalili
Sa buwang tinatangi.Patuloy na pagmamasdan
Kasama ang mga tala sa kalawakan.
Patuloy na hahagkan.
Hanggang sa katapusan ng kadilimanSisikapin kang tanungin.
Kung ang haliyah ba'y nagustuhan mo rin.
Nawa'y sabihin mong "Oo, naibigan ko"
Asahan mong ang puso ko'y sayong-sayo.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...