95

3 1 0
                                    


EKSAMINASYON

Batak na ang isip, mga mata, at katawan.
Umaasa na lamang sa pampahid upang makatagal.
Ilang lektura pa ba ang kailangan kabisaduhin?
Ilang antok pa ba ang kailangang tiisin.

Mahal ko ang pag-aaral,
Kaya't anumang pagod ay titiising maranasan.
Alam kong sagot ito sa sanlibong mga tanong.
Alam kong kasagutan ito sa pangarap na nanatili pa ring nakakahon.

Kahit nakapapagod itong eksaminasyon,
At kahit nakapapagod pag-aralan  ulit ang mga leksyon.
Magtitiis ako hanggang akin nang makabisado.
Kakayanin, sapagkat hindi sapat kung matatalo.

Ngunit kung isasareyalidad ko man ito,
Katumbas ng gera ang pagbabagsakan ng mga salita sa isip ko,
Katulad ng bulkan kung paano mag-alburuto ang aking diwa,
At katulad ng ulan kung paano tumangis ang aking mga mata.

Alam kong mahirap ngunit susubukan ko.
Anupa't nag-aaral ako kung sa eksaminasyon ay takot ako.
Kailangan kong tanggapin na parte ito ng edukasyon.
Kung saan bago marating ang rurok, kailangan munang dumaan sa eksaminasyon.

miss_reminisce 

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon