POOTHabang nilalamon ako ng gabi
Hindi ko maipikit ang aking mga mata
Habang niyayakap ako ng saya
Hindi ko magawang ngumiti.Nilalamon na naman siguro ako ng poot
Mula sa aking puso pataas sa aking isip
Nakangangambang patuloy itong manuot
Hanggang umabot na sa isang sulok.Ayokong gumagamit ng dahas
O kahit mga salitang marahas
Subalit poot ko'y nais kong mailabas
Nang mabawasan ang bigat na dinadanasAng hirap makulong sa pighati
Ang hirap magpakalunod sa paghihiganti
Bakit kailangang maramdaman ang poot?
Kung maaari namang idaan na lang sa lungkot.Ang batid ko'y ayos lang na magpakababa
Hanggang sa ang ulo ay umabot na sa lupa
Ngunit ang kasarinlan ay lumalaban
Sa tuwing nabubuhay ang poot na nararamdaman.Sana'y hindi na ulit maulit ito...
miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...