DINAINGTinakpan ang ilong
Dahil sa amoy ng dinaing.
Kumislot ang lalagukan
Nang pumasok ang amoy sa lalamunan.Binaling sa iba ang tingin
Mas naduwal pagka't daing ay nakabitin.
Takpan man ng panyong mamahalin
Amoy ay nanunuot pa rinNapapadyak sa labis na yamot
Ang amoy ng dinaing ay nanunuot
Kahit tumingin sa iba ay parang sinusubok,
Nitong daing na habang mas tumatagal ay hindi matupok.Iwinagaygaway ang kamay sa hangin.
Nabakas ang makinang na singsing
Lumapit ang isang dukha
Tinaboy habang may pangasim na mukha.Nilakad ang kaputikan
Suot niyang sapatos ay naging kadiliman
Mas lalong nanuot ang yamot
Nang matapakan ang kamay ng naghahakot.Tinaas ang kilay habang histura ay madilim
Dinuro ang lalaki at sinabing amoy daing
Lumuha nang buong kay lalim
Dinibdib ang katotohanan ng sakim.Marahil ganito ang sitwasyon ng kahirapan,
Dinadaing ang karapatan at binitin ang kinabukasan.
Kaya't hanggang ngayon pa rin ay nanatiling mabaho
Sapagkat sa korte nireretasomiss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...