MaPa
Para sa aking buhay
Wala akong ibang tinitingala kundi ang aking nanay at tatay.
Sila ang tumatayong haligi at ilaw para sa'kin.
Kaya't pagmamahal nila'y hindi ko kayang sayangin.Simula nang ako'y mabuhay dito sa mundo.
Ang kalinga nila ang unang nasilayan ko.
May ngiti sa kanilang mga labi,
At hindi nababakas ang anumang pighati.Sa pagdaan ng mga araw hanggang sa ako'y nagkamuwang sa buhay.
Nariyan pa rin sila sa aking tabi at laging nakaagapay.
Hindi nawawala ang kanilang mga payo na aking sinusunod,
Sapagkat iyon ay may makapangyarihang dulot.Inaamin ko sa aking sarili na ako ay mahiyain.
Kaya't ang katagang 'mahal kita' sa kanila ay hindi ko maamin.
Ngunit ang tulang ito ang magsisilbing bibig para sa'kin.
At nang tuluyang maipabatid ang pagmamahal na nasa aking damdamin.Mahal ko kayo, aking magulang at kapatid.
Kayo ang aking sandigan sa mundong nababalot ng pait.
Palagi kong pinapanalangin sa maykapal ang inyong kaligtasan.
At hatid niyo para sa'kin ay kaligayahan.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...