NANG ANG BULAK AY NABASA
Nang ang bulak ay nabasa
Naglaho ang mga tanikala
Nang ito'y piniga
Walang nagbago sa sistemaBakit humantong sa labis?
Bakit ang bulak sa kamay ay dumamplis?
Magaan naman ito at madaling hawakan
Subalit tuluyan pa rin itong nabitawan.Nang ang bulak ay nabasa
May isang bagay na tumalima
Napagtanto na hindi lang mabigat ang binibitawan
Kundi kaya rin palang bitawan kahit mga bagay na magaan.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...