07

68 3 1
                                    

Depresyon

Walang nasasaklaw na liwanag
Kaligayahan ay pilit inaaninag.
Nakakulong sa rehas ng pighati,
Ni hindi batid kung hanggang kailan dito mananatili.

Nagkukubli sa apat na sulok ng silid
Nangangapa sa dilim nang walang nakababatid.
Pagtatangis ay hindi mapigilan,
Habang karamay ang isang unan.

Sumasagi sa bawat isipan,
Ang mga katagang kanilang binibitawan.
Tunay nga bang pinagkakaitan ng kaligayahan?
Ang isang taong ang tanging hanggad lamang ay kapayapaan.

Pilit ikinukubli sa itim na dyaket,
Ang hiwa na puno ng sakit.
Nagtatago sa isang maskara,
Ngunit sa likod ay isang babala,

Gumising mga kapatid
Hindi tama na wakasan ang buhay na sa ati'y hinatid.
Batid na lahat ay nakararamdam ng pait
Subalit sa bawat pait ay may pusong umaawit.



miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon