94

5 1 0
                                    


MAAARI BANG HUWAG NGAYON?

Mababa na ang aking mga mata,
At bakas na rin ang markang itim
Mababa na ang likod at nagkukuba
Maaari bang huwag muna?

Sa pagtipa ko sa telepono,
Pagsulat sa kwaderno,
At pagsaulo ng mga letra.
Maaari bang huwag ka muna?

Sa paglikha ko ng aralin,
Sa pagtugon sa suliranin
At pag-iisip ng iba ko pang gagawin
Maaari bang huwag ka muna?

Uunahin ko lang ang aking sarili.
Nakikita kong pagod na siyang totoo
Hindi na mabaling kung saan dapat tatakbo.
Marahil ay pahinga? Kung maaari? Sana?

Matagal nang wala itong kibo
Na kahit nahihirapan ay pilit na hindi humihinto.
Ni hindi na nga maisip ang pamamahinga.
Ay nais mo ba ay unahin pa kita?

Maaari sanang huwag ka muna
'pagkat sarili ko pa
Magagawa naman kitang unahin
Basta't magtiyaga ka lang at hindi kita bibiguin.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon