TANGIS
Muli ko namang naramdaman
Ang bigat sa aking kalooban
Gumuguhit muli ang kasarinlan
Sa sarado kong isipan
Paghihimutok ko'y umuugong
Dahil sa patuloy na panaghoy ng kahapon
Hindi ko kayang magsumbong
Sapagkat luha'y muling babangon
Karamay ang unan
Sa gitna ng kadiliman
Gaano man kaliit ang higaan
Sarili ay pinagsasapilitan
Sa gabi ng pananahimik
Lumabas ang likidong hitik
Mga likidong wari'y sabik na sabik
Na lumabas sa hawlang puno ng tinik
miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
De TodoLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...
