88

6 2 0
                                    


TAHANAN

Sa ilaw na umaandap
Ay ramdam ang luhang pumapatak.
Sa apat na sulok ng bahay.
Ay may nasisira ang buhay.

Kailanman ay hindi magiging tahanan,
Ang pamilyang nauuwi sa kaputikan.
Kailanman ay hindi magiging sapat
Kung bandang dulo'y nasasalat.

Hindi kailanman magiging haligi.
Ang amang walang silbi
Hindi rin magiging ilaw.
Ang inang sa salapi ay uhaw.

Hindi magiging tahanan.
Ang bahay na puno ng takot.
Na sa kalagitnaan ng pagtulog
Ay may kamay na naglalakbay sa ilalim ng kumot.

Hindi magiging tahanan.
Ang pinggang walang laman.
Hindi magiging tahanan
Ang bahay na walang kasiyahan.

Kung gagawa ka man ng bahay.
Piliin mo iyong matibay
Na kahit pasukin ng mga kaaway.
Hinding-hindi ito bibigay.

Mamalengke ka na rin ng pagkain.
Nang walang sikmurang hihimasin.
Sikapin mong maging ilaw na hindi napupundi
At humanap nang haliging masasandalan sa paghikbi.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon