92

8 2 0
                                    

Leron-Leron Sinta

Ikaw ang Leron ko
Dahil ikaw ang sinta ko.
Ikaw ang meron ako
Dahil ikaw ang mahal ko.

Ikaw ang Leron ko,
Na kahit maputol man ang sanga ng buko.
Hindi ka hihinto,
Na sungkitin ang hinihiling ko.

Ikaw ang Leron ko,
At walang makapapantay sa iyo
Kahit tuksuhin ka man ng maraming tao.
Hindi ka bumibitaw, 'pagkat mas lalong pinagtitibayan mo.

Ikaw ang Leron ko,
Na kahit pansit man ang pinahaharap ko,
At kung ano-ano na ang gawin ko.
Pakikitungo mo pa rin ay hindi nagbabago.

Ikaw ang Leron ko,
At ipinaglalaban mo ako
Kahit pansit man ang kalaban mo
Ipinagtatanggol mo pa rin ako.

Ikaw ang Leron ko,
Ang mananatiling sinta ko.
Ikaw ang meron ako
Na bumubuo sa pag-ibig ko.

Patuloy akong kakapit sa iyo,
Dahil pinaalalahanan mo ako,
Ang sabi mo'y "Kumapit ka Neneng,
At baka ako ay mahulog,"

Nahulog na nga ako,
At mas lalo pang nahuhulog sa iyo.
Ngunit aasahan mo,
Na katulad ako ng winika mo,
Kahit ano pang mangyari sa atin hanggang dulo.
Hinding-hindi ako maghahanap ng ibang ipapalit sa iyo.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon