67

6 2 0
                                    


KINAYA

Matapos ang mahabang habulan
Mga gabing ako'y pinagsakluban
Mga talang aking napagiginipan
At ang malakas na ulan na minsan kong sinabayan.
Ay ang paglayag ko nang tuluyan

Sa kabila ng lahat nang ito.
Ay ang pagod at pagkamuhi ko
Nalunod ako sa kalbaryong aking pasan.
Nahirapan akong itaas ang bandera ng akin kapalaran.

Subalit ngayo'y inuukit ko sa aking puso.
Ang nakasaradong kamaong nabahiran ng aking dugo.
Sa gitna ng pakikipaglaban ko sa salita at guryon.
Sarili ko'y unti-unting nakabangon.

Sa gitna ng maraming tanong,
Kung kaya pa bang makipagsabayan sa panahon.
Ay ang katotohanang nalaman ko.
Na kaya ko pa lang makipagsabayan din sa mundo.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon