Mapagbirong AbrilNarito muli ako sa hardin.
Ang lugar na napuno ng ating hangarin.
Hindi na ako makapaghintay na muli kang masilayan
Sapagkat nanabik na akong ikaw ay aking mahagkan.Hawak ko nang mahigpit ang regalong ihahandog ko saiyo.
Laman nito ang isang kwintas na ninanais mo.
Matagal mo na itong nais noon pa man.
Subalit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas loob upang ikaw ay aking bilhan.Napangiti ako nang matamis nang ikaw ay mahanap ng aking mga mata.
Bagay saiyo ang suot mong puting bestida.
Mas lalong lumabas ang iyong angking ganda.
Na naging rason upang ako'y mapaibig mo aking sinta.Hindi na ako makapaghintay pang muli kang mahagkan.
Kung kaya't hinakbang ko aking paa patungo sa iyong kinaroonan.
Nais kumawala ng likido sa aking mga mata.
Subalit pinigilan ko iyon dahil hindi ko nais na ito'y iyong makita.Ngumiti ka nang matamis sa akin.
Sanhi upang ako'y matunaw sa iyong tingin.
Isang hakbang na lamang ang agwat ko saiyo.
At hindi na ako nagsayang pa ng oras na lumapit sa iyo.Hinawakan ko ang iyong makinis na kamay.
Wala pa ring pagbabago, ikaw pa rin ay walang kapantay-pantay.
Ang kaninang likido na pinipigilan ko ay kusang umalpas.
Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagtangis ko nang kay wagas."Nagkita na muli tayo, aking mahal"
Iyon ang bulong mo sa'kin.
Batid kong sa'ting pagmamahalan ay wala nang sagabal.
Dahil ako'y narito na rin sa iyong harapan at tila ang oras ay bumabagal.Ngumiti ako nang matamis at binalak na ikaw ay halikan.
Subalit isang malakas na tinig ang ating naulinigan.
"Gumising ka na Marcus! Buwan na ng Abril, Huwag kang magsayang ng oras kung ayaw mong ikaw ay paglaruan ng Abril.Minulat ko ang aking mata at muli kong napagtanto.
Oo nga pala, walang tayo, at ikaw lamang ay buhay sa panaginip ko.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...