ANG PASKO
Mananatiling ang pula'y makinang.
Sa libong taon mang dumaan.
Pananatilihing ang ilaw ay pailawin.
Hanggang matupok ang dilim.
Marahil ang gabi man ay nababalot nang panimdim.
At sa araw ng pasko'y natutulog tayo nang mahimbing.
Subalit ang kinang ay magliliwanag pa rin.
At ang diwa ng pasko ay patuloy na sumasalamin.
Sa libong paskong dumaan,
Batid kong hinahanap pa rin natin ang dating simoy ng kapaskuhan.
Subalit kung ako ang tatanungin.
Lagi't laging maligaya akong ang pasko ay salubungin.ANG PASKO O ANG MAINIT NA KAPE
Ang banayad na pagdampi ng simoy ng hangin
Ay humahalo sa katahimikan ng gabi
Mga mata'y nakababad sa tala
Habang sumisimsim ng kapeng mapakla.
Kung madadatnan ang mga pagkain sa hapag
Magpapasalamat ay buong tapang na ihahayag.
Subalit kung sumapit ang banaag
Pipiliin kong suminsim ng kape upang mawala ang bagabag.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
CasualeLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...