SERBESAMuli akong nagising sa halimuyak ng serbesa.
Muli akong nawindang sa kakaiba nitong lasa.
Ang tamis na humahagod sa aking lalamunan.
Ang siyang nagbibigkis sa aking katauhan.Tama nga ang sinabi ng iba.
Sa una lamang kung mapait ang serbesa.
Sa patagal nang patagal ito'y pasarap nang pasarap.
Maski lalamunan ko'y ito na ang hinahanap.Nawiwili ako sa tuwing serbesa ay kapiling
Sa mga gabing madilim ay yakap-yakap ko ang boteng babasagin.
Sa buhay kong hindi maipalawanag
Ang serbesa ang una kong nalalasapAng problema kong patong-patong
Sa serbesa ako humahantong
Iba ang hagod nito kung paano mapagaan
Iba ang dala nito upang mapawi ang aking kalungkutan.Sana'y huwag mo akong pagbawalan
Kung nais ang serbesa'y ihagod sa lalamunan.
Ito lang ang tangi kong nakakasama.
Sa mga panahong ako'y mag-isa at hindi kayang gawin ng iba.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...