Tagu-taguan
Hanapin mo ako,
At hahanapin din kita.
Kapag nataya mo ako,
Huwag naman sana.Hindi ako nagbibiro
Nang minsang sinabi ko
Na huwag mo akong tayain.
Bagkus ako'y iyong hanapin.
'pagkat nangangamba ako,
Na sa oras na imulat ko ang mata ko
At hanapin kita sa malayo
May kalaro ka nang iba,
May pangarap ka nang iba.Alam mo bang takot na takot rin ako,
Sa tuwing nagbibilang ako.
Na baka pagharap ko,
Talikuran mo ako,
Kahiyaan mo ako,
Kaya pinipilit kong magbilang hanggang kaya ko,
Dahil batid ko,
Na hindi ka pa nakalalayo
At may pag-asa pa na mahanap kita,
Kahit na malabo.Ngunit unti-unti kong napagtanto
Na habang mas tumatagal,
Mas naguguluhan ako,
Bakit ko ba hilig ang tagu-taguan?
Kung maaari naman akong sumali ng habulan.
Marahil ay ganoon lang talaga,
Umaasa kase ako na kapag naglaro ako ng taguan.
Maibabalik ang lahat.
Maibabalik ang nakaraan.Ngunit hindi pala,
Kahit pala ilang laro pa ang gawin ko.
At kahit hanapin pa kita sa kahit saanmang sulok ng mundo.
Ito pa rin ay malabo,
Ikaw pa rin ay malabo.Idadaan ko na lang siguro sa sapantaha ang lahat.
Dahil kahit anong gawin ko,
Naisin ko man na ikaw ay dumito
Ngunit hindi na maaari,
Hindi na rin maibabalik ang dati.
Ang mahalaga na lang ay ang ako sa moderno.
At ang alaala ng dating—ako.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...