73

11 2 0
                                    

MARIA CLARA NG KASAKULUYAN


Lumuha ka Maria Clara, buong tapang mong iluha.
Ang kawawang kapalaran ng gintong mong alaala
Mayuming pagkatao'y nilukob ng banyaga
Pati likas na pinamana'y binusabos ng madla.

Katulad mo na ang Pilipinas
Unti-unting pinipilas
Katulad mo na ang wika
Unti-unting nawalala at nanghihina

Walang tapang kung lumaban?
At walang tinig na pangmalakasan?
Sa lupa ay pinapagapang
Ang kawawang mga kababaihan.

Isang kahibangan ang namamayani 
Ang magpasiklab ng apoy kumpara sa mga ngiti.
Mga tao'y nagpapakataingang-kawali
At bulag-bulagan sa mga kababaihang nayuyurakan ang lahi.

Panahon na upanv baguhin ang kalaran
Mga kababaihang hiyas ng buong tahanan
Mahalin at buong tapang na ipaglaban
Ganito ang hiling ng karamihan

Ako si Maria Clara ng kasalukuyan
Itataas ang bandera ng mga kababaihan
Ang delubyong sa'min ay pinasan
Ay hindi na muling mararamdaman.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon