76

18 2 0
                                    


PANANGHALIAN

Habang kumakain kami sa damuhan
Naroon ang maingay na batingting ng katotohanan.
Ang malakas na kalansing ng kutsara,
At ang ingay ng chichirya,
Ang tanging bumabasag sa t'wina

Iba na rin ang pagyapos sa'min ng hangin.
Iba na rin ang pagbulusok sa'ming damdamin.
Ang dating isang malawak na bilog,
Ngayon ay naging katiting na binilot

Hindi ko na muli nararamdaman ang pamilyar na ngiti.
Ang walang humpay na kwentuhan,
Ang pagkislot ng malalakas na ngala-ngala sa hangin.
At ang minsang naglaro ng piring.

Hindi ko alam kung sino ang nagbago
Kapuwa lumilisan ang dating masasayang  bango
Ang aroma ng mga pagkain ay hindi katulad ng dati.
Kasabay ng malamig na tubig na nagiging mainit.

Kung ganito lang din tuwing pagsapit ng pananghalian
Marahil ay hindi na muli ako uupo sa damuhan
Nakapapagod nang magbihis at mag-ibang anyo.
Nakapapagod nang kumain habang pinapalibutan ng maling tao.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon