TALA, BUWAN AT ULANWalang gabi na hindi ko nakikita ang mga bituin at buwan.
Minsan na ring nagpaparamdam ang ulan.
Nakatihaya man ako sa aking higaan
Kitang-kita ko pa rin ang kinang ng kalangitan.Maligaya akong masilayan ang mga ganda nila
Masaya akong nakakapiling ko sila.
Subalit sa kabila nito ay ang pagluha ni Inang,
At ang pagsahod ng timba ni Tatang.Tuwing umiiyak ang kalangitan,
Apat na timba ang nagbabantay sa aming tahanan.
Isama na rin ang palanganang itim
At karambang babasagin.Naiingayan na ako sa hikbi ni Inang
Lalo na sa mga panahong walang salapi si Tatang.
Hindi naman iyon kasalanan ng aking ama
Sadyang mabukas lang ang palad ni ina.May minsang naabutan ko si Tatang na mag-isa.
Yung tipong ang kaniyang ulo ay nakatingin sa tala.
Marahil ay nagtatanong ang kaniyang isipan
Kung bakit magandang buhay ay hindi namin mahagkan.Kaya nga pursigido akong makipaghabulan sa buwan.
At sinisikap kong bilangin ang mga tala sa kalangitan.
Huwag ko lang sanang ipanalangin na bumuhos ang ulan.
Sapagkat pangarap ko'y maglalaho na lamang.
Darating din ang umaga,
Na wala nang timba ang nakahanda
Hindi na rin iiyak si Inang
At mas lalong hindi na rin matutulala si Tatang.Kalong ko na kayo,
Dahil ito naman ang misyon ko bilang anak niyo.
Iyun nga lang huwag niyo akong madaliin.
Dahil maipapangako ko naman na masusungkit ko ang mga bituin.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...