LINGGOPayapa yaong araw ng linggo
Maririnig man ang pagwalis ng tambo
Ang ingay ng gripo
Ang pagtilaok ng manok sa umaga
At ang miminsang bulyaw ni Mama.Ngunit hindi iyon pader
Na humaharang sa kapayapaan.
Hindi isang hadlang,
Para ang umaga'y hindi masilayan.Ramdam ko na ito,
At sana'y na ako sa mga naririnig ko.
Hudyat ko na ito sa paggising ng umaga.
Hudyat ko na ito ng bagong pag-asa.Dekada rin ang hinintay ko upang matuto akong gumising nang mag-isa.
Iyong kahit sinag pa lang ng umaga ay nakamulat na.
Kuntento na ako sa ganoong sitwasyon ko
Kuntento na ako na ako na ang gumigising sa sarili koKaya nga sa paglipas ng taon ay nangangamba ako
At baka pagdilat ko ng aking mga mata
Hindi na araw ng linggo.
Kailan ko ba araw-araw gagawing linggo ang buhay ko?miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...