PAUMAHIN
Naniwala ako sa tamis ng iyong salita
Naniwala ako sa balarila ng iyong dila
Tumango ako't hindi nag-atubali
Tinanggap ko nang buong puso at hindi ako nagmadaliNgunit bakit tila plano mo'y sinunog?
Dala ba ito ng guryon mong salakot?
Bakit ako'y iyong pinaikot?
Dahil ba ikaw ang hari na nakaluklok?Walang bahid itong aking dila
Matamaan ka'y, hindi ko sadya.
Kung sakaling ako'y iyong kakatukin
Bibigyan kita nang buong pansinSubalit kung matalim ang dila mo
Asahan mong ako'y hindi gaganti,
Hayaan ko na lamang ang itim na tinta ang siyang maghari.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...