TahananIkaw ang tahanan ko
Sa mundong magulo
Ikaw ang tahanan ko
Kahit pumuti na ang buhok koSa tuwing problema ay daraan
Ikaw ang aking tatakbuhan
Ako saiyo ay nanahan
Sapagkat ikaw ang aking tahanan.Huwag mo sanang kaligtaan
Na ikaw ay hindi ko iiwanan
Marami man tayong pagsubok na maranasan
Asahan mong puso ko'y hindi ka bibitawan.Buhat nang makilala kita
Mundo ko'y palaging masigla
Ang kaligayahang aking nadadama
Ay buhat nang ikaw ay sumama sa aking planeta.Gumuho man ang mundo
At pumuti man lahat ng buhok ko
Ako pa rin ay uuwi saiyo
Sapagkat ikaw ang tahanan ko.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...