LEONMabangis at hindi bahag ang buntot
Matapang at kinatatakutan,
Mabilis sa habulan
Marahas kung susundan.May korona sa ulo
'pagkat hari kung ituring
May mabangis na salita,
'pagkat pwesto ay tinitingala.Hudyat ng kaniyang kamay
Saludo ang karamihan.
Isang tinig na malakas
Tiyak na ang taynga ay kakalampag.Nang matapos ang pagiging hari
Natagpuang nakaupo't isang mamamayang nakikibahagi.
Ngunit napansin ang hati
Sa kaniyang dibdib, 'pagkat hindi na naghahari.Nang maging malakas ang tigre.
Umaalulong ang leon.
Humahanap ng butas
Upang ang tigre ay maisuplong.Ngunit, mabilis ang pag-ayon ng panahon.
Hindi kailanman papanigan ang Leon.
'pagkat wala nang karapatan.
Kawawang leon, nasadlak sa kinauupuan ngayon.Para sa mga usa na nakapapansin.
Hindi siya maituturing na haring magiting.
Wala sa bokabularyo ang pagtanggap sa pagkatalo.
At wala sa bokabularyo ang pagpayag na na siya ay tuluyang nabibigo.miss_reminisce

BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
De TodoLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...