ANG PAG-IBIG
Sa dalampasigan kita nakilala
Ang puso ko'y iyong agad nakuha
Bugso nito'y ayaw magpaawat
Hanggang ang mata ko'y iyong nasalatSa bukana ng pinto kita pinatuloy
Binuksan ko ang pag-ibig kong nag-aapoy
Mga ngiti ay nababasa ng kalangitan
Mga panalangi'y dinidinig ng kapalaranHanggang sa dumaan ang isang gabi
Nadatnan kong yakap-yakap ang aking sarili.
Unti-unting nalulusaw ang kandila sa aking tabi.
Ang silid ay binalot ng mga hikbiNaalala ang nakaraan,
At ang kasalukuyan ay hindi tumatahan
Pinatuloy kita sa'ming pintuan.
Subalit sa bintana na lamang kita pinagmamasdan.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...