Ako na manSa bawat buwan, araw at taon na nagdaan,
Hindi ko mabilang sa aking daliri.
Kung ilang beses ko nang naranasan,
Ang magparaya ng kaligyahan na para sa aking sarili.Bawat minuto at oras na lumilipas
Wala akong ibang hangad kundi ang pagtila ng oras.
Na kung dumating man ang araw na iyon mga luha ko'y simula nang aalpas.
Kasabay ng pagtangis ko ang pagtanggap sa katotohanang hindi ako ang wagas.Ilang luha na ang aking nasayang.
Ilang hikbi na ang aking naranasan.
Ilan pang pasakit ang nararapat kong maramdaman.
Bago ko masabi sa sarili ko na ako na man.Pakiusap, ako na man.
Matagal na akong nagpaparaya nang kay tagal,
Matagal na akong namamalimos ng pagmamahal.
Pakiusap, ako na man.Wala akong ibang nanaisin
Kundi ang kalungkutan na nais kong pawiin.
Naranasan ko nang mabalot ng lumbay.
Kaya't pakiusap, ako na man, at kumustahin ang aking lagay.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
De TodoLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...