Nagtatakang nagising si Samantha isang umaga.
Hindi niya maunawaan kung ano ang nangyari at paano ito nangyari.
Bakit...
Bakit nagising pa siya? At teka lang, bakit hindi na sumasakit ang sikmura niya? Hindi ba at nasagasaan siya ng truck? Dead on the spot pa nga siya.
Is this me in my spirit form?
Pero bakit nandito siya sa kwarto ng lumang mansyon? Napalunok ang dalaga. Naramdaman niya na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan.
Wait.
There's something wrong.
Wala na dapat siyang nararamdaman na discomfort lalo na kung kaluluwa na lang siya.
Muling inilibot ni Samantha ang paningin niya sa paligid. Hindi niya mapigilan ang pangangasim ng ilong niya at ang biglaang paghapdi ng kanyang mga mata. Dahil ba sa sobrang pagka-miss niya sa mala-senyoritang pamumuhay niya sa poder ng kanyang foster parents kaya ganito ang iniilusyon niya ngayon?
Huminga ng malalim ang dalaga at wala sa sariling napatingin sa maliit na kalendaryong nakapatong sa bed side table.
Her jaw dropped and her heartbeat accelerated.
Anong klaseng mahika 'to?!
April 20, 2004?
No way!
2004 noong lumayas siya sa mansyon ng kanyang foster parents. Pero bakit...
Nanlalaki ang mga matang napatitig si Samantha sa makinis at malagatas na kulay ng balat niya. Hindi niya makita doon ang mantsa nang talamsik ng mantika o ang sugat na mula sa matapang na sabon na ginagamit niya sa paghuhugas ng sangkaterbang plato. Nag-angat ng paningin ang dalaga.
Sa malaking salamin ay kitang-kita niya ang kanyang magandang mukha na walang bahid ng kahit anong wrinkles. Maganda at makintab ang mahaba niyang buhok. Hindi siya mukhang kulang sa tulog at mas lalong hindi rin siya mukhang kinukulang sa pagkain.
Does it mean...
She's back to the past?
Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa realization na iyon.
But how? She's supposed to be dead!
In a foreign and faraway place!
How?
Why?
"..."
Kaagad na napahinto sa pagmumuni-muni si Samantha nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Ang lahat ng mga katanungan sa kanyang isipan ay kaagad inilipad ng hangin.
Lumingon ang dalaga sa lumang pintuan. Makalipas lang ang ilang segundo ay bumukas iyon.
"Anak..."
Napatitig si Samantha sa ginang na sa kabila ng ilang wrinkles sa mukha ay nanatili pa rin na maganda.
Ilang beses niya bang pinangarap na makita at mayakap man lang ang taong 'to? Noong panahon na nagugutom siya, wala man lang mainom na malinis na tubig, walang matulugan ng maayos at wala man lang nangungumusta sa kanya...
Palagi niyang napapanaginipan noon ang malinis niyang kwarto, ang masasarap na pagkain na palaging nakahain sa malaking lamesa, ang malamig at malinis na tubig o juice, at ang pinakanami-miss niya? Ang nakangiti niyang ina.
Ito ang kumupkop at nag-alaga sa kanya noong inabandona siya ng sarili niyang mga magulang sa harapan ng lumang simbahan ng San Vicente.
"M-mommy," hindi mapigilan ni Samantha ang paggaralgal ng boses niya. Pakiramdam niya ay parang biglang ang hirap huminga.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...