Chapter 16: The Perfect Sister-in-law

825 36 0
                                    

"Good morning!"

Kaagad na huminto sa paglalakad papunta sa kusina si Arya. Tinitigan nito si Samantha na nakangiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. Maang na tinitigan ng dalagita ang wall clock na si Samantha din ang bumili.

Alas singko pa lang ng umaga.


"Good morning po ate. B-bakit ang aga mo pong gumising?"

"Nakatulugan ko kase ang paggawa ng designs kagabi. Noong magising ako kaninang alas tres, itinuloy ko 'yung ginagawa ko. Eh hindi naman ako inaantok pa kaya nagluto na ako ng almusal. Kumain ka muna bago ka maligo, gisingin mo na rin ang mga kuya mo," ani Samantha kay Arya.

Kinuha niya ang walis tambo at pagkatapos ay mabilis na nagwalis ang dalaga sa buong kabahayan. Dinala niya hanggang sa labas ng bahay ang mga winalis niya na puro alikabok lang naman.

Hindi niya dinakot ang mga nawalis sa loob ng bahay sa halip ay kumuha siya ng walis tingting at isinama ang mga alikabok sa pagwawalis niya ng buong bakuran.

Wala sa sariling napatitig na lang si Arya habang pinagmamasdan ang bawat natural na kilos ng kanyang soon to be sister-in-law. Wala pa mang hiwalayang nangyayari pero ang bigat-bigat na sa dibdib niya. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang bagay na iyon pagdating ng araw.

Huminga ng malalim si Arya. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang dining table. Maingat niyang binuksan ang malaking food cover na nakalatag sa lamesa. Nakalagay sa pingggan ang limang sunny side up, limang hotdog, daing, ensaladang talbos ng gulay at isang malaking bowl ng umuusok pa na sinangag.


Hindi mapigilan ng dalagita ang tuluyang panginginit ng mga mata niya. Maasim maging ang pakiramdam ng ilong niya. Hindi lang iisang beses nangyari ang ganoong senaryo mula noong dumating sa bahay nila si Samantha. Napakaraming pagbabagong naganap kaya naman minsan, pakiramdam ni Arya ay nananaginip lang siya.

"Uy! Inaantok ka pa ba?"

Kaagad na pinunasan ni Arya ang mga mata niya noong maramdaman ang pagtapik sa likuran niya. Hindi na siya lumingon dahil sa boses pa lang ay alam na niyang si kuya Ariston niya ang nasa kanyang likuran.

"Kain na tayo kuya," halos pabulong na sagot ni Arya. Lihim na nagpapasalamat ang dalagita dahil hindi garalgal ang dating ng boses niya.

Pero dahil observant si Ariston, kaagad nitong napansin ang kakaibang tono ng kapatid.

"Umiyak ka ba?" Nagtatakang nilapitan ng binatilyo ang kapatid.


"Hindi," halos pabulong na sagot ni Arya.

"Parang umiiyak siya kuya," segunda ni Arthur na kalalabas lang din sa kwarto nito.

Nag-aalalang nilapitan ni Ariston si Arya saka iniangat ang mukha nito.


"Kuya naman eh, ang kulit-kulit naman eh," naasar na maktol ng dalagita. Pero hindi na nito napigilan ang tuluyang pagpatak ng mga luha.

"A-anong nangyari?" Nag-aalalang kumuha ng tissue si Ariston at maingat na ipinunas iyon sa mga mata ng kapatid.

"W-wala nga!"

"Iiyak ka ba kung wala?" Nakakunot-noong sambit naman ni Arthur. Kahit na siya ang palaging bumu-bully sa kapatid niya, hindi niya naman kayang umiiyak ito.



"Anong nangyari? Sabihin mo, makikinig kami," seryosong wika ni Ariston.

Mula pa noon, siya na ang nagsilbing guardian ng mga kapatid niya. Kaya kapag may nangyayari sa mga ito, kahit na sabihin pang mas matanda lang siya ng ilang minuto, ginagawa niya ang lahat para matugunan at maibigay ang pangangailangan ng mga ito. If it's a moral support, he can easily give it but if it's financial, it's a bit hard but he's trying his best para maibigay ang needs ng kapatid.

"Wala nga kuya," kalmado ng saad ni Arya.

Maingat na nagsandok ang dalagita ng sinangag. Kumuha siya ng isang itlog, isang hotdog at isang daing. Kumuha na rin siya ng ensaladang gulay.

Hindi na pinansin ni Arya ang mga kuya niya na naupo sa kanyang harapan.

Tahimik na sumubo ang dalagita. Pero sa unang subo pa lang niya ng sinangag, hindi na naman niya mapigilan ang pag-init ng mga mata niya. Sa pangalawang subo ay tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

It's so delicious!

Punong-puno ng sahog ang fried rice.

Halos nasanay na siya sa lugaw na wala namang sahog at puro tubig lang kaya naman hindi kinakaya ng puso niya ang ginagawang pag-aalaga sa kanila ni Samantha. Bukod sa napakasarap ng pagkakagawa nito sa fried rice, hindi rin nakaligtas sa dalagita na mamahalin ang hotdog at daing na nakahain.

Mahirap masanay.

Paano kung masanay siya sa pag-aalaga ng kanyang ate Sam pero hindi pala ito ang magiging asawa ng kuya niya dahil may iba itong nobya? Maging sister-in-law niya pa ba ito in the future?

Arya cannot handle the thought of letting her eldest sister-in-law go away. Iniisip niya pa lang iyon ay parang sinasakal na ang puso niya.


"Hey!"

"O-okay lang ako! Okay lang. Hindi ko lang ma-imagine kung anong mangyayari kapag nag-divorce si kuya at ate Sam. Nasanay na ako kay ate Sam. Feeling ko, mas gusto ko siya kesa sa biological brother natin. P-pero kahapon, narinig ko si ate, makikipag-divorce daw siya kay kuya," halos pabulong na sambit ni Arya sa dalawa niyang kapatid.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa.


"A-ano?" Ariston's heart skipped a beat.


"Ang aga-aga, hindi nakakatuwa ang joke mo, Arya ha. At saka paano naman sila magd-divorce eh hindi pa nga sila ikinakasal?" Kontra ni Arthur kay Arya.

Para sa kanya, perpektong sister-in-law na ang ate Samantha nila kaya bakit pa maghahanap ng iba ang kuya nila?

Hindi rin mapigilan ng binatilyo na sumang-ayon sa huling sinabi ng nakababatang kapatid. Maging siya man ay mas gusto ang presensya ni Samantha. Kapag nasa paligid lang ito, pakiramdam ni Arthur ay napakagaan at napaka-aliwalas ng lahat.

"What if? What if alukin niya si kuya ng nakakontratang kasal? Para matakasan niya ang parents niya at para makatakas si kuya kila Auntie at Uncle? Pwede silang magpakasal ngayon at mag-divorce after a year. At kapag hiwalay na sila, saka pakakasalan ni kuya ang girlfriend niya sa abroad,"


"May girlfriend siya sa abroad?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Arthur. Hindi niya matanggap na niloloko ng sarili niyang kapatid ang sister-in-law nila na walang ibang ginawa kung hindi ang pakitaan sila ng kabutihan.


"W-what if?"

Napakunot-noo si Ariston.

"Puro ka what if. Ibig sabihin, hindi ka naman sure sa mga narinig mo. Hintayin muna natin si kuya. Tanungin natin kung may nobya ba siya. Kung meron, hindi tayo papayag sa kasal. Hindi 'yun deserve ni ate Sam. Kung hindi niya kayang pakasalan si ate Sam para maging legal na asawa habangbuhay, pakawalan niya na lang. Pakawalan natin. May ibang pamilya pa na tatanggap kay ate Sam ng buo,"

Huminto sa pagsubong ginagawa niya si Arya. Tinitigan niya ng masama ang kapatid na si Ariston. Hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi nito. Anong pakakawalan? Si ate Samantha lang ang gusto niyang maging sister-in-law at wala ng iba!


"Hindi magandang ipilit ang bagay na hindi naman pwede, Arya. Ang tanging magagawa lang natin ay tulungan silang dalawa na magka-develop-an. Malay natin, magustuhan nila ang isa't-isa at sa bandang huli ay magpakasal sila ng totohanan,"

Natahimik si Arya.

Napakurap-kurap siya at ilang minutong hindi kumikibo. Oo nga pala, bakit hindi niya naisip ang bagay na 'yun?

Pwede nga naman pala siyang gumawa ng paraan para magkaroon ng feelings ang magaling niyang kuya sa paborito niyang sister-in-law. By hook or by crook, gagawin niyang hipag si ate Sam! Hmp. Tama. Walang magagawa ang pagmumukmok niya. Ang kailangan ay makagawa siya ng paraan para maging parte si ate Sam ng kanilang pamilya sa habang-buhay.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon