Maliwanag na ang sikat ng araw nang dumating si Samantha sa bahay ng kanyang mother-in-law. Abala na ang mga katulong sa paglilinis ng bahay habang ang triplets ay tulog pa yata dahil hindi maramdaman ni Samantha ang presensiya ng tatlo.
"Good morning, Miss,"
"Good morning, Yaya Loleng. Tulog pa po ba ang tatlo?" magalang na tanong ni Samantha dito.
Natulog siya sa apartment ng boss ni Ren. Himala nga at hindi man lang siya namahay. Nakatulog siya kaagad. Wala nang tao doon ng magising siya. Nahihiya siyang mag-stay ng matagal kaya naman umalis din siya kaagad pagkatapos maghilamos.
Naghanap lang siya ng mapag-a-almusalan sa labas bago siya umuwi sa subdivision.
"Nag-aalmusal na po sila sa dining, Miss. Nandoon din po si Sir Arem,"
Oh?
Mahigpit na hinawakan ni Samantha ang susi ng sasakyan.
Pilit niyang kinontrol ang excitement na nararamdaman.
Huwag kang masyadong marupok, 'neng. Hindi ba at nakita mo siyang sinundo ng ibang babae kagabi? Ano't para kang sirang nai-excite diyan?
"Kakain ka rin po ba, Miss?" Nakangiting tanong pa ni Yaya Loleng.
Sunod-sunod na umiling si Samantha.
"Kumain na po ako sa bahay ng kaibigan ko, Yaya. Magh-hello lang po ako," ani Samantha saka dire-diretsong naglakad papunta sa dining room.
"Oo nga pala Miss, may kasama pong bisi—," hindi na natapos ni Yaya Loleng ang sasabihin dahil malayo na ang nalalakad ni Samantha. Nagkibit balikat na lang ang matandang tagapag-alaga.
Excited naman na nagtungo sa dining room si Samantha.
Just knowing that Arem is eating at their new house made her feel happy. Even though she saw another girl fetch him at the airport, she could not control her emotions.
Siguro may pagka-masokista siya?
Hindi nga ba at walang puso ang taong nagustuhan niya in her past life?
"Ate Sam!"
"Good morning!"
"Ate, nagpunta ka ba kila Ally?" Curious na tanong ni Arya. Nangingislap ang mga mata.
"Nope. Sa condo ni Addy," mabilis na sagot ni Samantha.
Bago pa man siya umuwi ay tinawagan na niya sa number nito si Adrienne. Kahit na sinermunan siya nito ay umuo pa rin naman ito sa gusto niya.
"Mabuti na lang ate, doon ka natulog," nakangiting wika ni Arya saka umirap.
Lihim na nagtaka naman si Samantha. She can tell that the little cat is pissed off. Pero ang aga-aga, sino naman ang nang-asar dito?
Inilibot ni Samantha ang paningin at noon niya lang nakita si Arem na nakatitig sa kanya.
"Good morning," he said in his usual cold but sexy voice na nagpa-palpitate na naman kay Samantha kahit na wala namang dumadaloy na caffeine sa sistema niya ng mga sandaling iyon.
"Good mo—,"
Maang na napatitig si Samantha sa nilalang na katabi ni Arem. Dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita.
"H-hi Arem's wife," the beautiful lawyer greeted her awkwardly.
"Oh, hi," bati ni Samantha.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Arem at kay Attorney Pilar.
Right at that moment, bigla na lang nag-mental block si Samantha.
"Kumain ka na ate?"
Arya's voice helped Samantha snap out of her trance.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...