Chapter 5: Unexpected Turn Of Events

1.3K 36 0
                                    

Hindi lubos akalain ni Samantha na aabutin ng maraming ang oras ang kanilang byahe. Kasasakay niya lang ng barko pero sumakay na naman siya ulit para lang makarating sila kaagad sa probinsiya ng mga Syquia. Dalawang araw at isang gabi sila sa dagat, pagkatapos ay 16 hours by land.

Pakiramdam ng dalaga ay naubos na ang pwetan niya sa tagal ng kanilang byahe.

Noong makarating sila sa probinsiya ng Santa Elena, madaling araw na.

"Darling, magpahinga ka na. Let us do the rest, okay?"

Pinagmasdan ni Samantha si Ginang Syquia at ang anak nitong si Cynthia na parehong nakatayo sa labas ng mamahaling sasakyan. Nakaparada ang sasakyan sa harapan ng isang malaking mansion.

"Okay mom. I'm so tired! Mauuna na akong matulog, mommy. Bye daddy," kumaway pa ang dalaga sa ama nito na tumango lang.

Nang tuluyang makapasok sa mansion si Cynthia ay sumakay na sa sasakyan si Ginang Syquia. "Drive," utos nito sa driver na kaagad namang sumunod.

Isang oras pa ang ibyinahe nila bago sila nakarating sa tahimik at liblib na lugar. Huminto ang sasakyan sa maliit na bahay. Bagaman mas maganda iyong tingnan kesa sa mga bahay na nakapaligid doon, di hamak na napakalaking pagkakaiba noon sa mansion na pinanggalingan nila.

Napakunot-noo si Samantha.

"Dito ang bahay ng mother-in-law mo. Ayaw niyang tumira sa mansion kaya naman pinabayaan na lang namin siya sa gusto niya. Halika na, simula ngayon ay dito ka na titira at sila na ang bago mong pamilya,"

Napuno ng katanungan ang isipan ni Samantha. Pakiramdam niya ang may itinatago ang mag-asawang Syquia. Hindi niya naman matanong ang mga ito dahil simula noong sumakay sila sa barko ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya nang tatlo. Ni hindi nga siya inaayang kumain.

"Yaya Pepita," malakas na tawag ni Ginang Syquia sa harapan ng kinakalawang na gate.

Humahangos na lumabas naman kaagad ang isang matabang babae.

"Ma'am Helda!" Masiglang bati nito sa ginang. Kulang na lang ay umabot na sa langit ang mga ngiti nitong halos kita na ang buong gilagid.

"Kamusta na? Gising na ba ang mag-iina?" Seryosong tanong ng ginang.

"Opo. Alas tres pa lang ay ginisang ko na silang lahat para hintayin kayo," proud na sabi ng matabang babae habang nakataas ang dibdib.

"Good," malamig na sabi ni Ginang Syquia saka tiningnan si Samantha. "Lahat ng rules sa pamamahay na ito ay ituturo sa'yo ni Pepito. Ang salita niya ay salita ko, ang batas niya ay batas ko, dahil nanggaling ang lahat ng iyon sa akin. Naiintindihan mo ba?" seryosong tanong ng Ginang kay Samantha gamit ang istriktong tinig.

"Sure," walang anumang sagot ni Samantha sabay-kibit ng balikat.

Well, wala naman siyang planong magtagal. At isa pa, alam naman niyang hindi siya kaagad matatanggap ng mga ito.

"Siya ang mayordoma sa mansyon at malaki ang tiwala ko sa kanya. Kung may mga tanong at kailangan ka, sa kanya ka magsabi,"

Muling tumango si Samantha bilang pagsang-ayon.

Noong pumasok sa loob ng bahay ang mag-asawang Syquia ay sumunod lang ang dalaga sa mga ito.

"Good morning po, Uncle, Auntie," magalang na bati ng tatlong kabataan sa dalawang panauhin. Triplets ang tatlo at sa palagay ni Samantha ay nasa 15 or 16 pa lang ang edad ng mga ito. "Masama pa rin po ang pakiramdam ni mama, pero gising na po siya at hinihintay po kayo sa loob ng kwarto niya,"

Umigkas pataas ang kilay ni Ginang Syquia. Lumalagutok ang takong ng stilletos nito sa magaspang na sahig habang naglalakad papunta sa isang nakabukas na kwarto.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon