Pagkarating sa garden ay kaagad na tinungo ni Samantha ang table set na gawa sa bakal. Dahil sa malamig ang panahon, malamig din iyon noong upuan ng dalaga. Kaagad namang sumunod si Daureen at naupo sa tapat niya.
"Sorry sa inasal ko kanina," hinging paumanhin ni Samantha makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Kahapon pa ito iniuwi ng mag-asawang dela Vega pero dahil galing sa bahay ng isang kaibigan si Samantha, kaninang umaga niya lang nalaman na natagpuan na pala ang nawawalang anak ng kanyang foster parents.
Hindi naging maganda ang inasal ni Samantha noong unang beses niyang makita si Daureen dahil lumaki siya sa pag-iingat at sa pangangalaga ng mag-asawa. Itinuring niya ang sarili na isa talaga siyang dela Vega kahit na ibang apelido naman talaga ang nakalagay sa birth certificate niya.
At that moment, hindi matanggap ng dalaga na natagpuan na ng mga ito ang nawawalang anak na sa halos buong buhay niyang paninirahan sa mansyon ay hinahanap talaga ng mga ito at hindi kailanman sinukuan kahit na nandoon pa siya.
And finally, this.
They finally found their long-lost daughter.
Hindi iyon matanggap ni Samantha dahil ang tanging iniisip niya lang noon ay ang sarili niya. Hindi niya kayang isipin na may makakahati na siya sa atensyon and worst, it's the real deal. Dugo at laman ito ng mag-asawa. Kaya anong laban ng isang kagaya niya na napulot lang isang umaga sa tabi ng simbahan, madungis, gutom na gutom at wala man lang suot na pampaa.
Kaya naman sa halip na harapin at i-welcome si Daureen, nag-walk out si Samantha at nagkulong sa kwarto. In her past life, hindi na nakapag-usap pa si Samantha at ginang dela Vega. At mas lalong wala ring ganitong senaryo sa pagitan nilang dalawa ni Daureen dahil pagkagising na pagkagising noon ni Samantha ay nag-empake na ito ng mga gamit at palihim na tumakas dala-dala ang lahat ng ipon at mga alahas na ninakaw mula sa vault ng mag-asawang dela Vega. Lahat ng nasa vault ay kinuha niya. Ilang bundle ng lilibuhin at mga alahas na nagkakahalaga ng higit kumulang fifty million pesos.
Mahilig mangolekta ng mga mamahaling alahas si Ginang dela Vega, kaya inasahan na ni Samantha na more or less ay ganoon nga ang magiging presyo ng mga alahas.
Pagkarating na pagkarating ni Samantah noon sa apartment ng nobyo niya ay buhay prinsesa siya. Wagas na wagas kung pagsilbihan siya ng lalaki. Pero makalipas lang ang ilang linggo, iniwanan siya nito sa isang mall. Nagpaalam lang siya na iihi noon. At dahil sa isa siyang malaking tanga, iniwanan niya rito ang dala-dala niyang bag kung saan nakalagay ang pera at cellphone niya.
Noong lumabas siya ng comfort room ay wala na ang hudyo. Noong umuwi siya sa apartment nito ay wala na rin ito doon. Ang malala, kasama din nitong nawala ang lahat ng pera at mga alahas na dala-dala niya.
Halos lahat yata ng trabaho ay ginawa ni Samantha noon para lang makaraos sa araw-araw. Sunod-sunod na kamalasan ang nangyari noon sa dalaga. Walang tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil wala naman daw siyang maipakitang id o kahit na anong pagkakakilanlan.
At parang pinaglalaruan pa siya ng pagkakataon, walang ni isang gustong tumulong sa kanya noong panahon na iyon.
Kaya naman puro mabibigat na trabaho ang nakukuha ni Samantha. Wala pang one hundred pesos ang binibigay na sweldo sa kanya sa isang buong araw na trabaho, ang katwiran ng mga ito ay pinakain naman siya. Hanggang sa napagbintangan siyang nagnakaw sa karenderya na pinagtatrabahuhan niya. Ipina-baranggay siya ng may-ari at pinalayas siya sa lugar na iyon.
Napadpad sa Siudad si Samantha. Doon siya natutong mamalimos, mamulot ng makakain hanggang sa masagasaan siya ng malaking truck.
"M-ma'am?"
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...