Chapter 13: Loyalty

854 33 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Para kay Samantha, bawat araw na nagdadaan ay tahimik at kalmado. Hindi na siya dinadalaw ng bangungot at mas payapa na ang kanyang isipan. Nakakatulog na rin siya ng maayos at hindi na nagigising tuwing madaling araw.

Salamat sa mapayapang lugar ng Santa Elena. The place help her ease her body and mind.

May isang problema na lang ang dalaga ngayon.

Si Arem Syquia.

Dalawang buwan na ang matuling lumipas pero ni anino nito ay hindi man lang nasisilayan ng dalaga. Naipa-check up na niya at lahat-lahat ang nanay nito, napataba na niya ang mga kapatid nito at naipaayos na niya ang bahay ng mga ito pero wala pa rin ang appearance ng magaling na lalaki!

Aware naman ang dalaga na napaka-insignificant niya para pagtuunan ng pansin ng isang CEO, pero hello, anong balak nitong gawin sa kanya? Lalo na ngayon, ipinamalita na ng buong pamilya nito sa Siudad na siya ang asawa nito.

Napailing na lang si Samantha. Pinagmasdan niya ang kanyang biyenan na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan. Kasalukuyan itong nasa harapan ng bahay. Nakaupo sa isang monobloc habang nagbibilad sa pang-umagang araw at nakikipagkwentuhan sa kapitbahay na si Aling Saneng.

Paano niya paplanuhin ang future niya kung hindi nagpapakita ang lalaking 'yun? Gustong-gusto nang umalis ni Samantha at mag-travel na lang around the world. Pagkatapos niyang ipaayos ang bahay, at bilhin ang mga gamot ng kanyang mother-in-law, may natitira pa rin na lagpas isang milyon si Samantha.

Hindi niya inaasahan na malaking pera din pala ang ipinadala ng kanyang foster parents sa kanya. Lahat din ng mga alahas na nasa vault ng mag-asawang dela Vega ay ipinadala din ng mga ito. Dahil dito na binuksan ni Samantha ang luxury bag na ipinadala ng kanyang mommy, saka niya lang nalaman na kasama pala nitong ibinigay ang lahat ng mga alahas na ninakaw niya rin noon in her past life.

So those jewelry was bound to be with her. In her past life and in this lifetime.

Huminga ng malalim si Samantha. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya noong biglang mag-ring ang telepono na nakapatong sa pasamano ng terrace.

Kunot-noong tinitigan iyon ni Samantha. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang tumatawag.

Muling huminga ng malalim si Samantha bago pinindot ang answer button.

"Hello?"

["Ate Sam!"] paimpit na tawag ng boses babae sa kabilang linya.

"..."

Hindi malaman ni Samantha kung anong reaksyon ba ang ibibigay. Dalawang buwan pa lang ang lumilipas pero kung maka-ate ito ay para bang magkapatid talaga silang dalawa.

"D-daureen?" hindi kaya sinasapian ang babaeng nasa kabilang linya? Bakit pakiramdam ni Samantha ay naging friendly masyado ang boses nito?

["Kamusta ka diyan ate? Ikaw ang tumawag sa bahay noong isang araw diba? Kanina lang naikwento ni Yaya Ipeng. Sabi niya may tumawag daw pero hindi nagsasalita. Isinave niya daw ang number dahil baka importante. Kaninang almusal niya lang naalalang sabihin kaya tinawagan kita kaagad after ko kumain. Kumusta ka na diyan, ate? Hindi ka ba minamaltrato ng asawa mo?"]

Samantha bit her lower lip.

The woman on the other line sounded so worried. And it seems so genuine. Samantha suddenly felt like there was a lump in her throat.

Tsk.

Wrong move talaga ang pagtawag na ginagawa niya!

Nalulungkot lang naman siya nang mga sandaling iyon, at gusto niyang marinig ang boses ng mommy o daddy niya. Pakikinggan niya lang. Kahit na ilang segundo lang iyon, magiging okay na siya ulit. Siguro dahil naho-homesick lang siya?

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon