Chapter 54: Arya's Concern

802 43 3
                                    

Maayos na inilagay ni Arya ang notebook na ginamit niya sa pagsusulat noong lumabas na sa classroom ang kanilang English teacher. Last subject nila iyon kaya naman maingat nang inilagay ng dalagita ang lahat ng mga gamit niya na nakalabas.

"Hala! Kaninong mama 'yan?"

"Ang ganda naman!"

"Parang nakikita ko siya sa tv dati,"

Nang matapos ayusin ang mga gamit ay nagtatakang tiningnan ni Arya ang mga nagbubulungan niyang mga kaklase. Dahil nakatingin ang mga ito sa labas ng classroom, maang na napatingin din siya doon. Para lang matulala sa nakita.

"Hoy, kumaway siya sa atin!"

"Kahit mukhang may edad na siya, ang ganda-ganda pa din!"

"Naalala ko na! Hindi ba siya ang sikat na movie queen noon? Si Aria Sunji!"

"Ay oo nga, favorite siya ng mommy ko dati eh. Hindi ba wala na siya sa tv ngayon? Ang ganda-ganda niya sa personal!"

"Tara na,"

Lumingon si Arya sa kuya niyang si Ariston. Galing ito sa faculty dahil ipinatawag ng kanilang adviser.

Tumayo si Arya at hindi na pinansin ang nagkakagulong mga kaklase nila. Kahit na gustuhin man niyang maki-tsika, hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka gabihin sila sa pag-uwi dahil sa pagiging tsismosa niya. Wala pa naman ang mommy at kuya nila sa bahay. Mag-isa lang doon ang ate Samantha niya kaya hangga't maaari ay umuuwi sila ng maaga para sa kanilang sister-in-law.

"Bakit ka ipinatawag ni Ma'am, kuya?" Curious na tanong ni Arya.

Although lagi naman talagang ipinapatawag si Ariston sa faculty dahil isa ito sa panlaban ng school tuwing may mga academic competition. Nagtataka lang ang dalagita dahil uwian na, iyon din ang unang pagkakataon na hindi umuwi ng maaga ang class adviser nila.

"Para ayusin ang mga school credentials natin,"

Napakunot-noo si Arya. Lumingon siya sa kuya niya pero nagkibit-balikat lang ito. "Mom,"

Nagtatakang sinundan ni Arya ng tingin ang tinitingnan ng kuya niya.

Sa harap nila ay nakatayo ang magandang babae na napaka-sopistikadang tingnan sa suot nitong floral maxi dress. With her delicate make up and 3 inches sandals, nagmukhang nasa mid-30s lang ang mommy nila.

"Is that you, Mother?" Hindi mapigilang itanong ni Arya.

No one can blame her though.

Nasanay siya sa itsura ng mommy niya na mukhang sakitin. Palaging naka-duster na pambahay at wala man lang kakulay-kulay ang labi. Pati nga ang mahabang buhok nito ay wala na ring dating ang kulay.

Pero habang tinitingnan ngayon ni Arya ang babaeng kaharap, hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Isn't this beautiful woman her mom?

Pero teka lang. Bakit parang bumata ng sampung taon o higit pa ang taong nasa harapan niya?

Nanay niya ba talaga ito?

Magdadalawang linggo pa lang niya itong hindi nakikita pero ang laki na nang ipinagbago nito.

Mom...

Arya is a bit conflicted.

She's happy and at the same time, she's feeling somewhat worried.

Sa ganda ng mommy niya, hindi kaya habulin ito ng mga hindi kanais-nais na bangaw at bubuyog?

Hindi kailanman nakita ni Arya ang kanyang ama. Ni hindi niya naranasan kung paano ang magkaroon ng ama. Kaya naman, hindi niya rin nakita ang kanyang ina kung paano ito tratuhin noon ng kanilang ama. Paano kung bigla na lang may manligaw dito at sa pangungulila nito sa namayapa nilang ama ay mag-asawa itong muli?

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon